Pumunta sa nilalaman

Mula kaliwa pakanan: Si Brother Roman Gridasov at ang asawa niyang si Elvira, at si Brother Gennadiy German at ang asawa niyang si Nadezhda, pagkatapos silang palayain. Nakulong ang mga brother sa loob ng halos dalawang taon

HULYO 30, 2021
RUSSIA

Brother Gennadiy German at Roman Gridasov, Pinalaya Mula sa Bilangguan sa Russia

Brother Gennadiy German at Roman Gridasov, Pinalaya Mula sa Bilangguan sa Russia

Noong Hulyo 29, 2021, pinalaya mula sa bilangguan sina Brother Gennadiy German at Roman Gridasov pagkatapos makumpleto ang sentensiya nila. Kabilang sila sa limang brother mula sa Saratov na binugbog pagdating sa isang bilangguan sa Orenburg. Pinalaya si Brother Feliks Makhammadiyev noong Enero 2021 at si Brother Aleksey Budenchuk noong Hulyo 2021. Nasa bilangguan pa rin sa Orenburg si Brother Aleksey Miretskiy at nakaiskedyul na palayain sa Agosto 2021.