AGOSTO 3, 2020
RUSSIA
Brother Gennady Shpakovskiy, Pinalaya sa Bilangguan
Noong Lunes, Agosto 3, 2020, nagdesisyon ang Pskov Regional Court na palayain si Brother Gennady Shpakovskiy. Pinagtibay ng korte ang hatol nito kay Brother Shpakovskiy, pero ang anim-at-kalahating-taóng pagkabilanggo niya ay ginawang suspended prison sentence, na may kasamang dalawang-taóng probation. Ilang oras matapos ibaba ng korte ang desisyon, pinalaya si Brother Shpakovskiy. May karapatan ang prosecutor na umapela sa naging desisyon.