HUNYO 9, 2020
RUSSIA
Brother Gennady Shpakovskiy, Sinentensiyahang Mabilanggo Nang Anim at Kalahating Taon sa Russia
Noong Martes, Hunyo 9, 2020, hinatulan ng Pskov City Court ang 61-anyos na si Brother Gennady Shpakovskiy at sinentensiyahang mabilanggo nang anim at kalahating taon. Pagkatapos ng paglilitis, agad siyang ibinilanggo. Ito ang pinakamahabang sentensiya sa isa sa ating mga kapatid mula nang ibaba ng Korte Suprema ng Russia noong 2017 ang desisyon nito na nagsasabing isang krimen ang pagiging Saksi ni Jehova. Magsusumite ng apela si Brother Shpakovskiy sa naging hatol sa kaniya.