Pumunta sa nilalaman

Si Brother Igor Ivashin

MARSO 27, 2020
RUSSIA

Brother Igor Ivashin, Nahaharap sa Pitong-Taóng Pagkabilanggo sa Russia

Brother Igor Ivashin, Nahaharap sa Pitong-Taóng Pagkabilanggo sa Russia

Sa Marso 31, 2020, ibababa na ng Lensky District Court of the Republic of Sakha ang hatol nito kay Brother Igor Ivashin. Gusto ng prosecutor na mahatulan siya ng pitong-taóng pagkabilanggo.

Noong Pebrero 2018, pinayagan ng Yakutsk City Court na i-wiretap ng mga pulis ang telepono ni Brother Ivashin. Pagkalipas ng ilang buwan, ni-raid ng mga pulis ang walong bahay ng mga Saksi, kasama na ang bahay ni Brother Ivashin. Dinala siya at ang 21 iba pang Saksi sa presinto at pinagtatanong. Nagsampa ng kaso ang prosecutor laban kay Brother Ivashin dahil sa pagsasaayos ng gawain ng isang “ekstremistang” organisasyon.

Noong Nobyembre 20, 2019, ibinalik ang kaso sa prosecutor dahil wala itong matibay na ebidensiya laban kay Brother Ivashin. Umapela ang prosecutor, at ibinalik ang kaso sa district court para sa paglilitis. Nagsimula ang pagdinig noong Pebrero 2020.

May dalawang anak na babae si Brother Ivashin at ang asawa niyang si Natalia. Ngayong malapit nang matapos ang paglilitis kay Brother Ivashin, ipinapanalangin natin na ang pamilya niya ay patuloy na magiging “masaya habang tinitiis ang lahat ng bagay.”—Colosas 1:11.