Pumunta sa nilalaman

Si Brother Igor Tsarev

ENERO 28, 2021
RUSSIA

Brother Igor Tsarev, Napapaharap sa Apat-na-Taóng Pagkabilanggo Dahil sa Pag-aaral ng Bibliya

Brother Igor Tsarev, Napapaharap sa Apat-na-Taóng Pagkabilanggo Dahil sa Pag-aaral ng Bibliya

Iskedyul ng Paghatol

Sa Pebrero 1, 2021, a nakatakdang ibaba ng Birobidzhan District Court ng Jewish Autonomous Region ang hatol nito sa kaso ni Brother Igor Tsarev. Napapaharap siya sa apat-na-taóng pagkabilanggo.

Profile

Igor Tsarev

  • Ipinanganak: 1974 (Birakan, Jewish Autonomous Region)

  • Maikling Impormasyon: Mayroong dalawang nakababatang kapatid na babae. Habang nag-aaral, nagtrabaho bilang magtotroso, karpintero, at electrician para makatulong sa pamilya. Mahilig mangisda at magmasid sa kalikasan

  • Nagsimulang magtanong tungkol sa layunin ng buhay noong nasa militar pa siya. Ang paghahanap ng kasagutan ang naging dahilan para mag-aral siya at ang tatay niya ng Bibliya. Nabautismuhan noong 1997. Ikinasal sa asawa niyang si Viktoriya noong 1998. Mayroon silang batang anak na babae

Kaso

Sinampahan ng mga awtoridad ng Russia si Brother Igor Tsarev ng isang kasong kriminal noong Hulyo 30, 2019. Pinaratangan siya na nag-aaral siya ng Bibliya “para ikalat ang mga turo ng mga Saksi ni Jehova.” Ang mga video ng mga relihiyosong pagpupulong, na palihim na inirekord ng mga agent ng Federal Security Service (FSB), ay iniharap bilang ebidensiya laban kay Igor. Hindi katulad ng karaniwang pagdinig, hiniling ng prosecutor na huwag isapubliko ang pagdinig sa kasong ito. Sinabi ng prosecutor na ang kahilingang ito, na pinagbigyan naman, ay kailangan para hindi maimpluwensiyahan ng paniniwala ni Igor ang mga makakapakinig.

“Napakalapit nang magkaroon ng malaking pagbabago sa buhay ko dahil sa hatol ng korte,” ang sabi ni Igor. “Ang totoo, nangyayari na nga iyon. Inilagay ako sa recognizance agreement kaya pinagbawalan akong pumunta sa ibang lugar. Sa trabaho, pinipilit ako ng boss ko na ipaliwanag kung bakit ako iniimbestigahan ng mga pulis. Nagtataka ang boss ko at mga katrabaho ko kung bakit ako tinatrato ng ganito, pero alam nila na pinag-uusig na ang mga Kristiyano noon pa man.”

Ipinapanalangin natin si Brother Igor at ang pamilya niya. Alam natin na palalakasin sila ni Jehova “sa pamamagitan ng kapangyarihan ng espiritu niya.”—Efeso 3:16.

a Posible pang magbago.