SETYEMBRE 10, 2020
RUSSIA
Brother Khasan Kogut, Hinatulan ng Korte sa Russia
Noong Setyembre 10, 2020, sinentensiyahan ng Berezovsky City Court ng Kemerovo Region si Brother Khasan Kogut ng dalawa’t-kalahating-taóng probation. Nagpapasalamat si Brother Kogut dahil hindi siya mabibilanggo, at na makakasama pa rin niya ang misis niya at ang anak nila na walong taóng gulang.