Pumunta sa nilalaman

Sandaling nakasamang muli ni Brother Konstantin Bazhenov ang asawa niyang si Irina pagkalabas niya mula sa kulungan. Nasa pansamantalang detention center siya ngayon, at naghihintay ma-deport

MAYO 5, 2021
RUSSIA

Brother Konstantin Bazhenov—Napalaya Mula sa Bilangguan sa Russia, Made-deport sa Ukraine

Brother Konstantin Bazhenov—Napalaya Mula sa Bilangguan sa Russia, Made-deport sa Ukraine

Noong Mayo 5, 2021, natapos ni Brother Konstantin Bazhenov ang sentensiya sa kaniya at napalaya mula sa penal colony sa Dimitrovgrad. Dahil kinansela ang kaniyang pagkamamamayan sa Russia noong Mayo 2020, agad siyang inilipat sa isang pansamantalang detention center na para sa mga banyagang naghihintay ma-deport. Made-deport siya sa Ukraine.