SETYEMBRE 21, 2020
RUSSIA
Brother Konstantin Bazhenov at ang Asawa Niya, Pati na ang 73-Anyos na Sister, Puwedeng Mahatulang Nagkasala sa Russia
Iskedyul ng Paghatol
Sa Setyembre 25, 2020, * ibababa ng Yelizovsky District Court ng Kamchatka Territory ang hatol nito kay Brother Konstantin Bazhenov at sa asawa niyang si Snezhana, pati na kay Sister Vera Zolotova. Hiniling ng prosecutor na pagmultahin sina Brother at Sister Bazhenov ng 600,000 ruble ($7,850 U.S.) at si Sister Zolotova naman ng 400,000 ruble ($5,235 U.S.).
Profile
Konstantin Bazhenov
Ipinanganak: 1977 (Petropavlovsk-Kamchatsky, Kamchatka Territory)
Maikling Impormasyon: Panganay sa apat na magkakapatid. Naging mekaniko at nagturo sa isang technical school. Mahilig mangisda
Noong 2001, napangasawa niya si Snezhana, na isa ring teacher. May anak sila, si Elizabeth. Lahat sila ay mga Saksi ni Jehova
Snezhana Bazhenova
Ipinanganak: 1977 (Shikotan Island, Sakhalin Oblast)
Maikling Impormasyon: Pinalaki ng nagsosolong magulang. Mahal ang mga bata at nagtuturo sa mga ito. Pero ngayon, hindi siya makapagturo dahil sa kasong kriminal laban sa kaniya
Tinuruan ng lola niya tungkol sa Diyos at kung paano manalangin. Kaya nag-aral siya ng Bibliya at minahal niya ang Diyos
Vera Zolotova
Ipinanganak: 1946 (Yelizovo, Kamchatka Territory)
Maikling Impormasyon: Lumaki sa isang malaking pamilya. Noong 1966, napangasawa niya si Yuri Zolotov. May dalawa silang anak. Dating accountant. Mahilig mag-hike, ski, at ice-skating
Maraming taon niyang hinanap ang Diyos. Sinubukan ang maraming relihiyon. Masayang nalaman na makatarungan ang Diyos at na mahal ng Diyos ang mga tao. Hindi Saksi ni Jehova ang asawa niya. Pero hanga ito sa epekto ng Bibliya sa asawa niyang si Sister Zolotova
Kaso
Noong Agosto 19, 2018, hinalughog ng mga pulis ang tatlong bahay ng mga Saksi sa bayan ng Yelizovo. Inaresto ang 11 kapatid natin. Ilang oras silang pinagtatanong. Di-nagtagal, pinalaya rin ang walong Saksi. Pero nagsampa ng kasong kriminal ang awtoridad laban kay Brother Bazhenov, sa asawa niya, at kay Sister Zolotova. Pansamantala silang ibinilanggo. Pagkalipas ng dalawang araw, pinalaya rin ang mga sister. Iniutos ng hukom na manatili sa bilangguan si Brother Bazhenov. Pero pinalaya rin siya pagkalipas ng walong araw.
Habang naghihintay ng hatol, ipinapanalangin natin na patuloy na magtiwala kay Jehova ang mag-asawang Bazhenov at si Sister Zolotova. Tinitiyak ni Jehova na magiging masaya at payapa ang mga tapat sa kaniya, at mapupuno sila ng “pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng banal na espiritu.”—Roma 15:13.
^ Posible pang magbago