SETYEMBRE 24, 2021
RUSSIA
Brother Maksim Beltikov—Napatibay ng Kaniyang Espirituwal na Rutin
UPDATE | Hinatulan ng Korte ng Russia si Brother Maksim Beltikov
Noong Enero 17, 2022, hinatulan ng Pavlovskiy District Court of the Krasnodar Territory si Brother Maksim Beltikov at sinentensiyahan ng dalawang-taóng pagkabilanggo. Ipinatupad agad ang sentensiya sa kaniya.
Time Line
Hunyo 29, 2020
Pinagbawalang umalis sa lugar nila
Hunyo 23, 2020
Sinampahan ng kasong kriminal. Ang paratang: “pakikibahagi sa mga sesyon ng pagtuturo ng relihiyon” kasama ang “pagdaraos at pakikinig sa mga pahayag na batay sa relihiyosong literatura”
Abril 29, 2020
Hinalughog ng mga pulis ang bahay ni Maksim. Pagkatapos, pinagtatanong siya
Profile
Patuloy sanang mapatibay ang mga kapatid natin sa Russia ng kanilang espirituwal na rutin, pati na ng pagmamahal at pagmamalasakit ng mga kapuwa nila Saksi. Alam nating hindi pababayaan ng “Diyos ng pag-ibig at kapayapaan” ang mahal nating mga kapatid.—2 Corinto 13:11.