Pumunta sa nilalaman

PEBRERO 25, 2021
RUSSIA

Brother Roman Gridasov, Hindi Binigyan ng Parole ng Korte sa Russia

Brother Roman Gridasov, Hindi Binigyan ng Parole ng Korte sa Russia

Noong Pebrero 25, 2021, hindi tinanggap ng Orenburg Regional Court ang apela ni Brother Roman Gridasov na mabigyan siya ng parole. Mananatili siya sa bilangguan hanggang matapos ang sentensiya niya sa Agosto 2021. Nakabilanggo na siya mula pa noong Setyembre 2019. Isa si Roman sa limang brother na binugbog ng mga guwardiya ng bilangguan noong Pebrero 2020.