Pumunta sa nilalaman

Si Brother Sergey Gromov at ang asawa niyang si Yelena

SETYEMBRE 15, 2023
RUSSIA

Brother Sergey Gromov, Nahatulang Makulong Nang Anim na Taon at Isang Buwan sa Russia

Brother Sergey Gromov, Nahatulang Makulong Nang Anim na Taon at Isang Buwan sa Russia

Noong Setyembre 14, 2023, hinatulan ng Moskovskiy District Court of Kazan si Brother Sergey Gromov at sinentensiyahang makulong nang anim na taon at isang buwan. Nakakulong na siya mula Marso 15, 2022, at mananatiling nakakulong.

Profile

Talagang napapatibay tayo ng halimbawa ng katapatan at pagtitiwala nina Sergey at Yelena kay Jehova. Ang pagpapala sa kanila ng Diyos dahil sa pananatili nilang tapat ay malinaw na patunay na “ang kamay ni Jehova ay hindi maikli para hindi makapagligtas, at ang tainga niya ay hindi mahina para hindi makarinig.”—Isaias 59:1.

Time Line

  1. Marso 15, 2022

    Sinampahan ng kasong kriminal. Isinama para sa interogasyon at pansamantalang ikinulong

  2. Marso 16, 2022

    Hinalughog ang bahay

  3. Marso 17, 2022

    Inilipat sa bilangguan habang naghihintay ng paglilitis

  4. Marso 30, 2023

    Nagsimula ang paglilitis

  5. Setyembre 14, 2023

    Nahatulan at nasentensiyahang makulong nang anim na taon at isang buwan

a Nang inihahanda ang artikulong ito, kasalukuyang nakakulong si Brother Gromov habang naghihintay ng paglilitis, kaya hindi siya posibleng makunan ng personal na komento.