Pumunta sa nilalaman

Si Brother Sergey Ledenyov at ang asawa niyang si Anna

NOBYEMBRE 20, 2020
RUSSIA

Brother Sergey Ledenyov, Posibleng Makulong Nang Anim na Taon sa Russia

Brother Sergey Ledenyov, Posibleng Makulong Nang Anim na Taon sa Russia

Iskedyul ng Paghatol

Sa Nobyembre 24, 2020, * ibababa ng Petropavlovsk-Kamchatskiy City Court ng Kamchatka Territory ang hatol kay Brother Sergey Ledenyov. Posible siyang makulong nang anim na taon.

Profile

Sergey Ledenyov

  • Ipinanganak: 1974 (Ossora, Kamchatka Region)

  • Maikling Impormasyon: Isa sa anim na magkakapatid. Magaling mag-drowing at mahilig sa photography. Nagtatrabaho sa konstruksiyon bilang bricklayer at tile setter. Dating hindi naniniwala sa Bibliya pero nagbago nang maturuan siya ng mga Saksi ni Jehova. Pinakasalan si Anna noong 2017. Sinabi ni Anna na dahil sa Bibliya, naging kalmado at mapagmahal na asawa si Sergey

Kaso

Noong Disyembre 2, 2018, ni-raid ng mga pulis ang bahay ni Brother Ledenyov sa Petropavlovsk-Kamchatskiy. Idinitine siya at kinasuhan batay sa Article 282.2 ng Russian Criminal Code. Nagsimula ang paglilitis sa kaniya noong Nobyembre 28, 2019.

Noong Disyembre 12, 2019, ibinalik ng Petropavlovsk-Kamchatskiy City Court ng Kamchatka Territory ang kaso sa prosecutor. Nangyayari ito kapag may problema sa kaso, gaya ng kawalan ng ebidensiya. Pero noong Pebrero 4, 2020, binaligtad ng mas mataas na korte ang desisyon at itinuloy ang paglilitis. Sa sumunod na pagdinig, pinagtatanong ng mga awtoridad ang asawa ni Brother Ledenyov at ang isa pang sister at pinilit silang tumestigo laban kay Brother Ledenyov. Pero tumanggi si Sister Ledenyov at ang isa pang sister.

Hindi maintindihan ng mga di-Saksing kamag-anak ni Brother Ledenyov kung bakit siya inuusig dahil sa pananampalataya niya.

Ipinapanalangin natin sina Brother at Sister Ledenyov habang hinihintay nila ang hatol. Alam nating nasa kanila ang espiritu ni Jehova.—1 Pedro 4:14.

^ Posible pang magbago.