HULYO 22, 2024
RUSSIA
Brother Valeriy Baylo, Nasentensiyahang Mabilanggo
Noong Hulyo 3, 2024, hinatulan ng Abinskiy District Court of the Krasnodar Territory si Brother Valeriy Baylo at sinentensiyahang makulong nang dalawang taon at anim na buwan. Nakakulong na siya at mananatiling nakakulong.
Profile
Nagtitiwala tayo na patuloy na poprotektahan ni Jehova ng Kaniyang ‘walang-hanggang pagmamahal’ si Valeriy at ang lahat ng ating kapatid na nakakulong.—Jeremias 31:3.
Time Line
Marso 28, 2024
Sinampahan ng kasong kriminal
Abril 2, 2024
Pinagtatanong at inakusahan ng pakikibahagi sa mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon. Inilagay sa isang temporary detention facility
Abril 4, 2024
Inilipat sa isang bilangguan habang naghihintay ng paglilitis
Hunyo 26, 2024
Nagsimula ang paglilitis
Hulyo 3, 2024
Pagkatapos lang ng tatlong court hearing, hinatulan ng hukom si Valeriy at sinentensiyahang makulong nang dalawang taon at anim na buwan