Pumunta sa nilalaman

Si Brother Vladimir Alushkin, kasama ang asawa niyang si Tatyana

SETYEMBRE 16, 2020
RUSSIA

Brother Vladimir Alushkin, Hindi na Kailangan Pang Muling Mabilanggo

Brother Vladimir Alushkin, Hindi na Kailangan Pang Muling Mabilanggo

Noong Setyembre 16, 2020, ibinaba ng Penza Regional Court ang desisyon nito sa apela nina Brother Alushkin, Kulyasov, Magliv, at Timoshin, pati na nina Sister Alushkina at Galiya Olkhova. Binawasan ng korte ang naunang sentensiya kay Brother Alushkin na anim-na-taóng pagkabilanggo, at ginawa itong apat-na-taóng suspended prison sentence. Nagpapasalamat tayo na hindi na niya kailangan pang muling mabilanggo. Ang naunang sentensiya sa iba pang kapatid ay hindi nagbago.