Pumunta sa nilalaman

Si Brother Yevgeniy Spirin sa isang korte habang nasa selda

HULYO 9, 2020
RUSSIA

Brother Yevgeniy Spirin, Nahaharap sa Pitong-Taóng Pagkabilanggo sa Russia

Brother Yevgeniy Spirin, Nahaharap sa Pitong-Taóng Pagkabilanggo sa Russia

Posibleng ibaba ng Furmanovsky City Court ng Ivanovo Region ang desisyon nito sa Hulyo 14, 2020, sa kaso ni Brother Yevgeniy Spirin. Hiniling ng prosecutor na masentensiyahan si Brother Spirin ng pitong-taóng pagkabilanggo.

Si Brother Spirin, 34 anyos, ay inakusahan ng pag-oorganisa ng mga gawain ng isang “ekstremistang” organisasyon. Kinasuhan siya noong Enero 21, 2019 ng isang imbestigador ng Federal Security Service (FSB) ng rehiyon. Pagkaraan ng anim na araw, ni-raid ng mga agent ng FSB ang bahay ni Brother Spirin at ng asawa niyang si Natalya. Iniutos ng Oktyabrsky District Court ng Ivanovo Region na si Brother Spirin ay ibilanggo nang mga dalawang buwan bago litisin dahil lang sa pagiging isang Saksi ni Jehova. Nang maglaon, pinalawig pa ang pagkabilanggo niya.

Pinalaya siya noong Hulyo 5, 2019, at inilagay sa house arrest pagkatapos mabilanggo nang 160 araw. Noong Disyembre 18, 2019, iniutos ng Oktyabrsky District Court ng Ivanovo Region na palayain si Brother Spirin sa pagkaka-house arrest kahit tutol ang mga imbestigador. Wala na silang idinagdag na anumang restriksiyon sa kaniya.

Nananalangin tayo at nagtitiwala na patuloy na tutulungan ng ating maibiging Ama sa langit, si Jehova, ang lahat ng kapatid sa Russia na pinag-uusig dahil sa kanilang pananampalataya.—1 Pedro 4:14.