Pumunta sa nilalaman

Si Brother Yuriy Savelyev pagkalaya sa bilangguan

HULYO 20, 2023
RUSSIA

Brother Yuriy Savelyev, Pinalaya Na Mula sa Bilangguan

Brother Yuriy Savelyev, Pinalaya Na Mula sa Bilangguan

Noong Hulyo 19, 2023, pinalaya na si Brother Yuriy Savelyev mula sa bilangguan sa lunsod ng Rubtsovsk sa Russia matapos ang mahigit apat at kalahating taon. Nakulong siya noong Nobyembre 9, 2018.

Nagkasakit si Yuriy doon dahil sa hindi malinis na kalagayan sa bilangguan. May ilang pagkakataon din na inilagay siya sa selda para sa malupit na pagpaparusa dahil sa mga maling akusasyon. Pero sa tulong ng pananalangin, nakapanatiling positibo si Yuriy. Nagpakita rin siya ng mga katangiang Kristiyano, kaya iginalang siya ng marami sa mga kapuwa niya bilanggo pati na ng mga guwardiya sa bilangguan.

Sinalubong si Brother Yuriy ng isang grupo ng mga kapatid sa labas ng bilangguan

Bago masentensiyahan si Yuriy, sinabi niya sa korte ang mga salita ni Jesus sa Mateo 22:37: “Dapat mong ibigin si Jehova na iyong Diyos nang buong puso mo at nang buong kaluluwa mo at nang buong pag-iisip mo.” Namuhay si Yuriy ayon sa mga pananalitang iyon at nanatili siyang tapat kay Jehova. Nagtitiwala tayo na patuloy siyang pagpapalain ni Jehova dahil sa kaniyang pananampalataya, pag-ibig, at pagtitiis.