Pumunta sa nilalaman

DISYEMBRE 16, 2020
RUSSIA

Brother Yuriy Savelyev, Sinentensiyahan ng Anim-na-Taóng Pagkabilanggo ng Korte sa Russia

Brother Yuriy Savelyev, Sinentensiyahan ng Anim-na-Taóng Pagkabilanggo ng Korte sa Russia

Noong Disyembre 16, 2020, sinentensiyahan ng Leninskiy District Court ng Novosibirsk ng anim-na-taóng pagkabilanggo si Brother Yuriy Savelyev. Nananatiling matatag si Brother Yuriy at napapatibay ng kaniyang personal na pag-aaral ng hula sa Bibliya.

Sa mga huli niyang sinabi sa korte noong Disyembre 9, lakas-loob na nagpatotoo si Yuriy. Sinabi niya sa lahat ng nandoon sa panahon ng pagdinig: “Kitang-kita ninyo ngayon na natutupad ang isang hula na sinabi ni Jesu-Kristo. Nakaulat ito sa Banal na Kasulatan, ang Bibliya, sa Marcos 13:9: ‘Maging handa kayo. Dadalhin nila kayo sa mga hukuman, at hahagupitin kayo sa mga sinagoga at patatayuin sa harap ng mga gobernador at mga hari dahil sa akin, at makapagpapatotoo kayo sa kanila.’”