Pumunta sa nilalaman

Si Brother Vladimir Suvorov at ang asawa niya, si Valentina

HUNYO 15, 2021
RUSSIA

Brother na 75 Taóng Gulang sa Chelyabinsk, Tinitiis ang Pag-uusig Dahil sa Kaniyang Relihiyosong Paniniwala

Brother na 75 Taóng Gulang sa Chelyabinsk, Tinitiis ang Pag-uusig Dahil sa Kaniyang Relihiyosong Paniniwala

UPDATE | Korte sa Russia, Ibinasura ang Apela

Noong Oktubre 15, 2021, ibinasura ng Chelyabinsk Regional Court ang apela ni Brother Suvorov. Mananatili ang unang hatol sa kaniya. Hindi siya mabibilanggo sa ngayon.

Noong Hulyo 1, 2021, hinatulan ng Metallurgichesky District Court ng Chelyabinsk ang 75-taóng-gulang na si Brother Vladimir Suvorov at pinatawan ng anim-na-taóng suspended prison sentence.

Profile

Vladimir Suvorov

  • Ipinanganak: 1946 (Chelyabinsk)

  • Maikling Impormasyon: Isang makinista at aktor sa teatro. Naging direktor ng Soviet House of Culture. Mahilig sumulat ng mga awit at tumugtog ng gitara

    Napangasawa si Valentina noong 1973. Nabautismuhan bilang Saksi ni Jehova noong 1993. May isa silang anak na lalaki, si Igor, na namatay dahil sa cancer noong 2014

Kaso

Noong Enero 16, 2020, inimbestigahan ng gobyerno ng Chelyabinsk ang 75-taóng-gulang na si Brother Vladimir Suvorov. Pinaratangan siya ng imbestigador ng Chelyabinsk Region ng pag-oorganisa ng relihiyosong mga gawain, gaya ng pagkanta ng relihiyosong mga awit, pananalangin, at pakikipag-usap tungkol sa Bibliya.

Noong Pebrero 2020, pinagtatanong ng mga pulis si Vladimir at pinagbawalan siyang magbiyahe. Noong Hunyo 17, 2020, sinampahan siya ng kasong kriminal. Sinabi ni Vladimir na ang pagdurusang dinanas niya sa pag-uusig ang pinakamahirap na pagsubok sa buhay niya. Pero sinabi niya: “Hindi kami kailanman iniwan ng aming Diyos na si Jehova . . . Lalong tumitibay ang kaugnayan namin kay Jehova. Damang-dama namin ni Valentina na tinutulungan niya kami. Pinapatibay at inaaliw niya kami sa pamamagitan ng aming mga kapatid, kahit na ng mga tagaibang kongregasyon.”

Noong Marso 11, 2021, ang 73-taóng-gulang na si Valentina ay nahatulang nagkasala at nasentensiyahan ng dalawang-taóng suspended prison sentence ng korte na dumirinig din sa kaso ni Vladimir. Silang dalawa ay nagtitiwala a na patuloy silang tutulungan ni Jehova.​—Awit 118:6.

a Panoorin ang interbyu kina Brother at Sister Suvorov sa 2021 Ikaapat na Update ng Lupong Tagapamahala (10:02).