AGOSTO 10, 2023
RUSSIA
Determinadong Manatiling Masaya Kahit Pinag-uusig
Malapit nang ibaba ng Syktyvkarskiy City Court ng Komi Republic ang hatol nito sa kaso nina Brother Aleksandr Ketov, Andrey Kharlamov, Aleksandr Kruglyakov, Sister Lidiya Nekrasova, at Brother Sergey Ushakhin. Wala pang hinihiling ang prosecutor na parusa para sa kaniya.
Profile
Gaya ng ipinapakita ng mga karanasang ito, “pinalalakas” ni Jehova ang ating mga kapatid na nagtitiis ng pagsubok para makapanatili silang tapat.—Isaias 40:29.
Time Line
Marso 2, 2021
Hinalughog ang mga bahay ng di-kukulangin sa 14 na pamilya ng mga Saksi ni Jehova sa Syktyvkar. Sina Aleksandr Ketov, Andrey Kharlamov, at Aleksandr Kruglyakov ay pansamantalang ikinulong. Sina Lydia Nekrasova at Sergey Ushakhin naman ay pinagbawalang umalis ng kanilang lugar
Marso 3, 2021
Pansamantalang pinalaya sa bilangguan sina Aleksandr Ketov at Andrey Kharlamov, pero hindi sila puwedeng umalis ng bahay. Si Aleksandr Kruglyakov naman ay ikinulong bago pa man litisin
Abril 27, 2021
Pinayagan nang umalis ng bahay si Andrey Kharlamov
Abril 28, 2021
Puwede nang umalis ng bahay si Aleksandr Ketov, at napalaya naman sa pretrial detention si Aleksandr Kruglyakov
Abril 19, 2022
Nagsimula ang paglilitis
Hunyo 9, 2022
Sinabi ng hukom na walang katibayan ng ekstremismo at ibinalik ang kaso sa prosecutor
Pebrero 14, 2023
Nagsimula uli ang paglilitis sa pangangasiwa ng isang bagong hukom