ENERO 4, 2023
RUSSIA
Determinadong Tulungan ang Iba Kahit Pinag-uusig
Malapit nang ibaba ng Kuznetskiy District Court of Novokuznetsk ang hatol nito sa kaso ni Sister Tatyana Sushilnikova. Wala pang hinihiling ang prosecutor na parusa para sa kaniya.
Profile
Gaya ni Tatyana, napapatibay tayo ng mga halimbawa ng ‘malaking ulap ng mga saksi’ na nagtitiis ng pag-uusig sa tulong ni Jehova.—Hebreo 12:1.
Time Line
Hunyo 8, 2021
Ni-raid ng armadong mga FSB agent ang tatlong bahay ng mga Saksi ni Jehova sa Novokuznetsk. Sumailalim sa tatlong oras na interogasyon si Tatyana at ang asawa niyang si Sergey
Hunyo 20, 2022
Sinampahan ng kasong kriminal. Inakusahan ng pagsasagawa ng relihiyosong mga pag-uusap at pakikibahagi sa relihiyosong mga pulong
Hulyo 22, 2022
Opisyal na kinasuhan
Setyembre 27, 2022
Nagsimula ang paglilitis. Ibinalik ng hukom ang kaso sa prosecutor dahil hindi sinunod ang tamang proseso
Nobyembre 16, 2022
Itinuloy ang paglilitis