HUNYO 15, 2022
RUSSIA
Galina Kobeleva, Determinadong Magpatotoo sa Korte
Malapit nang ibaba ng Lesozavodskiy District Court ng Primorye Territory ang hatol nito sa kaso ni Sister Galina Kobeleva. Wala pang hinihiling ang prosecutor na parusa para sa kaniya.
Time Line
Mayo 12, 2020
Hinalughog ng mga pulis sa Primorye Territory ang bahay ng apat na pamilya ng mga Saksi ni Jehova, kasama na ang bahay ni Galina. Siya at ang anak niyang si Brother Sergey Kobelev ay sumailalim sa interogasyon at inimbestigahan
Marso 8, 2021
Sinampahan ng mga awtoridad ng kasong kriminal si Galina. Inakusahan siya ng pakikibahagi sa mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon
Abril 7, 2021
Pinagbawalang magbiyahe
Oktubre 29, 2021
Nagsimula ang paglilitis
Profile
Talagang nagpapasalamat tayo na patuloy na inaakay ni Jehova ang tapat niyang mga lingkod, gaya ni Galina, sa “ligtas na lugar” habang lakas-loob nilang ipinagtatanggol ang kaniyang pangalan.—2 Samuel 22:18-21.