Pumunta sa nilalaman

Si Sister Galina Parkova

ENERO 25, 2021
RUSSIA

Habang Nakakulong ang Asawa Niya, Hinihintay ni Sister Galina Parkova ang Desisyon ng Korte sa Kaso Niya

Habang Nakakulong ang Asawa Niya, Hinihintay ni Sister Galina Parkova ang Desisyon ng Korte sa Kaso Niya

Iskedyul ng Paghatol

Malapit nang ibaba ng Leninskiy District Court ng Rostov-on-Don ang hatol nito sa kaso ni Sister Galina Parkova. a Hiniling ng prosecutor sa korte na bigyan siya ng tatlong-taóng suspended prison sentence kapag nahatulang guilty.

Profile

Galina Parkova

  • Ipinanganak: 1970 (Kaltan)

  • Maikling Impormasyon: Noong 1990, ikinasal si Galina kay Aleksandr. Mayroon silang tatlong anak na babae at dalawang apo. Nakipag-aral sila ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova. Nabautismuhan noong 1995. Mahilig kumanta at mag-drawing

Kaso

Noong Hunyo 6, 2019, sinampahan si Galina ng mga awtoridad ng kasong kriminal. Ilang linggo bago nito, ang asawa niyang si Aleksandr ay inaresto at ikinulong bago litisin.

Dahil nakabilanggo ang asawa niya, nahirapan siyang suportahan ang sarili niya sa pinansiyal. Sinuspinde rin ng awtoridad ang card niya sa bangko kaya hindi niya makuha ang pera niya, pati na ang suweldo niya. Dahil dito, nagbitiw siya sa trabaho. Humanap siya ng iba’t ibang trabaho para kumita ng pera at masuportahan ang sarili niya.

Ang mga kapatid natin sa Russia ay “mga matuwid na pinakikitunguhan na parang gumagawa sila ng masama.” (Eclesiastes 8:14) Pero ang halimbawa ng pananampalataya nila ay nagpapatibay sa atin na patuloy na maging matatag anumang pagsubok ang dumating.

a Hindi laging ipinapaalám kung kailan ang petsa ng paghatol ng korte.