HUNYO 28, 2024
RUSSIA
Hinatulan ang Tatlong Sister sa Republic of Kalmykia, Russia
Noong Hunyo 24, 2024, hinatulan ng Elista City Court of the Republic of Kalmykia sina Sister Tsagan Khalgaeva, Yekaterina Menkova, at Kishta Tutinova. Sina Tsagan at Yekatarina ay tumanggap ng dalawang-taóng suspended prison sentence. Si Kishta naman ay tumanggap ng tatlong-taóng suspended prison sentence. Hindi sila makukulong sa ngayon.
Profile
Pinahahalagahan natin ang makabagong-panahong mga halimbawang ito ng pananampalataya. At nagpapasalamat tayo na nakikita ni Jehova ang lahat ng ating pagsubok at gagantimpalaan niya ang ating katapatan.—Awit 37:18.
Time Line
Pebrero 16, 2023
Sinampahan ng kasong kriminal si Kishta
Pebrero 28, 2023
Hinalughog ang mga bahay. Dinala si Kishta sa isang temporary detention facility
Marso 1, 2023
Nawalan ng trabaho si Tsagan dahil maraming tao ang nakakaalam na akusado siya bilang isang kriminal. Pinalaya si Kishta mula sa temporary detention pero hindi pinayagang umalis ng bahay
Hulyo 21, 2023
Pinalaya si Kishta mula sa house arrest
Disyembre 19, 2023
Sinampahan ng kasong kriminal sina Yekaterina at Tsagan. Pareho silang pinagbawalang umalis ng kanilang lugar
Pebrero 9, 2024
Pinagbawalang umalis ng kanilang lugar si Kishta
Abril 1, 2024
Nagsimula ang paglilitis
Hunyo 24, 2024
Nahatulan ng suspended prison sentence