NOBYEMBRE 24, 2020
RUSSIA
Hinatulan ng Korte sa Russia si Brother Sergey Ledenyov ng Dalawang-Taóng Suspended Prison Sentence
Noong Nobyembre 24, 2020, hinatulan ng Petropavlovsk-Kamchatskiy City Court ng Kamchatka Territory si Brother Sergey Ledenyov ng dalawang-taóng suspended prison sentence na may tatlong-taóng probation. Hindi siya ibibilanggo sa ngayon.
Noong huling araw ng pagdinig sa kaso, lakas-loob na ipinaliwanag ni Sergey kung ano ang ibig sabihin ng pagiging Saksi ni Jehova. Sinabi niya: “Ang Jehova ay hindi pangalan ng isang grupo ng tao, organisasyon, o relihiyon. Jehova ang personal na pangalan ng Diyos. Sa Bibliya, sa aklat ng propetang si Isaias, tinatawag ni Jehova ang mga lingkod niya na ‘mga saksi ko.’ Base dito, nagpasiya kaming gamitin ang pangalang mga ‘Saksi ni Jehova’ sa isang kombensiyon noong 1931. Ipinapakita ng pangalang ito ang aming atas na maging saksi ng Diyos—ibig sabihin, sasabihin namin sa iba ang tungkol sa kaniya bilang Maylalang, Tagapagligtas, at Kataas-taasan sa buong uniberso, pati na ang layunin niya para sa tao. Isa itong malaking karangalan para sa akin at sa mga kapananampalataya ko.”—Isaias 43:10.
Buong tapang na sinabi ni Sergey sa korte: “Wala akong dapat ikahiya, na para bang nakagawa ako ng krimen. Malinis ang konsensiya ko sa harap ng Diyos at ng tao.”