PEBRERO 4, 2020
RUSSIA
Hinatulang Nagkasala Sina Brother Kim at Brother Polevodov ng Korte sa Russia
Noong Pebrero 4, 2020, hinatulan sina Brother Stanislav Kim at Brother Nikolay Polevodov ng Zheleznodorozhniy Court ng Khabarovsk ng dalawang-taóng suspended prison sentence. Hindi sila ikukulong pero nasa probation sila sa loob ng dalawang taóng iyon. Iaapela nila ang hatol na ito. May isa pang kasong kriminal laban sa kanila na dinidinig naman ng Industrial District Court na nasa lunsod ding iyon. Wala pang petsa ng paghatol para sa kasong ito.