Pumunta sa nilalaman

Si Brother Anatoliy Isakov at ang asawa niyang si Tatyana

ENERO 1, 2024
RUSSIA

‘Hindi Ako Iniwan ni Jehova’

‘Hindi Ako Iniwan ni Jehova’

Malapit nang ilabas ng Kurgan City Court of the Kurgan Region ang hatol nito sa kaso ni Brother Anatoliy Isakov. Wala pang hinihiling ang prosecutor na parusa para sa kaniya.

Profile

Pinahahalagahan natin ang determinasyon at pananampalataya ni Anatoliy sa harap ng maraming pagsubok. At masaya tayong malaman na anuman ang nararanasan natin, si Jehova ay magiging ‘bato ng puso natin.’—Awit 73:26.

Time Line

  1. Hulyo 13, 2021

    Sinampahan ng kasong kriminal

  2. Hulyo 14, 2021

    Hinalughog ang bahay niya. Inilagay siya sa isang temporary detention center

  3. Hulyo 15, 2021

    Inilipat siya sa isang pretrial detention center

  4. Hulyo 21, 2021

    Umapela siya sa Department of Health ng Kurgan Region para mapalaya na siya at maipagpatuloy ang chemotherapy niya

  5. Agosto 28, 2021

    Napalaya siya sa pretrial detention center dahil sa kahilingan ng European Court of Human Rights. Pinagbawalan siyang umalis ng kanilang lugar

  6. Hulyo 6, 2023

    Nagsimula ang paglilitis