Pumunta sa nilalaman

Si Brother Aleksey Metsger, na hinatulan at pinagmulta ng korte sa Russia dahil sa kaniyang pananampalataya

NOBYEMBRE 21, 2019
RUSSIA

Hindi Pinagbigyan ng Korte sa Russia ang Hiling ng Prosecutor na Mabilanggo si Brother Aleksey Metsger Nang Tatlong Taon Pero Pinagmulta Ito ng 350,000 Ruble

Hindi Pinagbigyan ng Korte sa Russia ang Hiling ng Prosecutor na Mabilanggo si Brother Aleksey Metsger Nang Tatlong Taon Pero Pinagmulta Ito ng 350,000 Ruble

Noong Huwebes, Nobyembre 14, 2019, hinatulan ng Ordzhonikidzevskiy District Court sa Perm’ si Brother Aleksey Metsger at pinagmulta siya ng 350,000 ruble (mga $5,460 U.S.). Siya ang ika-12 brother sa Russia na hinatulan ngayong taon dahil diumano sa ekstremistang gawain, pero ang ginagawa lang naman niya ay sumasamba siya sa Diyos at ibinabahagi ang paniniwala niya. Iaapela ng abogado ni Brother Metsger ang hatol na ito.

Noong Abril 25, 2019, kinasuhan si Brother Metsger dahil sinabi niyang isa siyang Saksi ni Jehova. Kasama sa mga ebidensiya ang mga pakikipag-usap niya tungkol sa relihiyon na palihim na inirekord ng mga kausap niya.

Nagsimula ang paglilitis noong Oktubre 14, 2019. Hiniling ng city prosecutor na ibilanggo si Brother Metsger nang tatlong taon. Hindi ito pinagbigyan ng korte. Pero dahil sa hatol kay Brother Metsger, nag-aalala tayo na baka litisin din ng ibang korte ang marami pa nating kapatid dahil sa kanilang pananampalataya.

Kahit na ang mga kapatid natin sa Russia ay patuloy na pinag-uusig nang walang dahilan, alam nating patuloy silang papalakasin at papatibayin ni Jehova.—Awit 119:76, 161.