Pumunta sa nilalaman

PEBRERO 26, 2021
RUSSIA

Hindi Pumayag ang Korte sa Russia na Mapalaya Nang Maaga si Brother Aleksey Miretskiy

Hindi Pumayag ang Korte sa Russia na Mapalaya Nang Maaga si Brother Aleksey Miretskiy

Noong Pebrero 26, 2021, hindi tinanggap ng Central District Court ng Orenburg ang apela sa maagang pagpapalaya kay Brother Aleksey Miretskiy. Isa siya sa limang brother na binugbog sa bilangguan noong Pebrero 2020. Natapos na ni Aleksey ang mahigit sa kalahati ng sentensiya niya.