SETYEMBRE 28, 2021
RUSSIA
Hindi Tinanggap ng Korte ng Russia ang Apela Laban sa Desisyong Ipagbawal ang JW Library App
Noong Setyembre 27, 2021, hindi tinanggap ng Saint Petersburg City Court ang apela laban sa desisyon noong Marso 31, 2021, na nagsasabing ekstremista ang JW Library app at ipinagbabawal ang paggamit nito sa buong Russian Federation at sa Crimea. Agad na ipapatupad ang orihinal na desisyon.