Pumunta sa nilalaman

Ang Oryol Regional Court

MAYO 17, 2019
RUSSIA

Huling Apela Na ni Dennis Christensen sa Korte sa Mayo 23

Huling Apela Na ni Dennis Christensen sa Korte sa Mayo 23

Noong Huwebes, Mayo 16, 2019, nagpatuloy ang pagdinig sa apela ni Dennis Christensen gaya ng nakaiskedyul. Ang mga abogado ng magkabilang panig ay nagbigay ng huling argumento nila, at halos isang oras nagsalita si Dennis para ipagtanggol ang sarili niya. Naroon ulit ang mga diplomat mula sa ibang bansa at mga journalist. Nakakapagpatibay ito, dahil kahit dalawang taon na mula nang mapabalita sa buong mundo ang pag-aresto kay Dennis, interesadong-interesado pa rin ang mga tao sa kaso niya.

Noong una, ang iskedyul ng pagdinig ay hanggang Biyernes, Mayo 17. Pero sinabi ng mga hukom na ipagpapaliban nila ito hanggang Huwebes, Mayo 23, sa ganap na alas-10 ng umaga. Bibigyan si Dennis ng huling pagkakataon para umapela sa korte bago tuluyang magdesisyon ang mga hukom. Hindi pa alam kung iaanunsiyo na ang desisyon sa pagtatapos ng Mayo 23, o kung mag-iiskedyul pa ang korte ng ibang petsa para gawin iyon.

Lumalakas ang loob natin kapag nakikita natin ang ating mga kapatid, gaya nina Dennis Christensen at Sergey Skrynnikov, na nananatiling positibo at nagsisikap na manatiling tapat. Nararamdaman natin para sa mga kapatid natin sa Russia ang naramdaman ni apostol Pablo sa mga taga-Tesalonica nang isulat niya: “Ipinagmamalaki namin kayo sa mga kongregasyon ng Diyos dahil sa inyong pagtitiis at pananampalataya sa kabila ng pag-uusig sa inyo at mga problema.”—2 Tesalonica 1:4.