Pumunta sa nilalaman

Si Brother Valeriy Moskalenko habang nasa loob ng isang selda sa korte sa isa sa mga huling pagdinig ng kaso niya

AGOSTO 30, 2019
RUSSIA

Ilalabas ng Korte sa Russia ang Hatol kay Brother Moskalenko sa Susunod na Linggo

Ilalabas ng Korte sa Russia ang Hatol kay Brother Moskalenko sa Susunod na Linggo

Sinabi ni Ivan Belykh, hukom sa Zheleznodorozhniy District Court ng Khabarovsk, na ang desisyon sa kasong kriminal na isinampa sa 52-anyos na si Brother Valeriy Moskalenko ay iaanunsiyo sa Setyembre 2, 2019.

Mula noong arestuhin si Brother Moskalenko ng Federal Security Service (FSB) at mga riot police sa naganap na raid noong umaga ng Agosto 2, 2018, ibinilanggo na siya bago pa man litisin. Mga limang oras na hinalughog ng mga agent ang bahay ni Brother Moskalenko bago siya arestuhin. Dahil mahigit isang taon na siyang nabilanggo bago pa man litisin, posibleng ang maging hatol sa kaniya ay katulad ng kay Dennis Christensen.

Noong Disyembre 18, 2018, isinampa ang reklamong Moskalenko v. Russia sa European Court of Human Rights (ECHR). Mahigit 50 aplikasyon ang ipinasa sa ECHR laban sa Russia, at 34 sa mga ito ang nakarating na sa gobyerno ng Russia.

Ipinagmamalaki natin ang mga kapatid natin sa Russia ‘dahil sa kanilang pagtitiis at pananampalataya sa kabila ng pag-uusig at mga problema.’ Malinaw na sinusuportahan at pinagpapala sila ni Jehova. Ipinapanalangin natin na patuloy na ibigay ni Jehova kay Brother Moskalenko ang lakas para makapagtitiis nang may kagalakan, anuman ang maging hatol sa susunod na linggo.​—2 Tesalonica 1:4.