PEBRERO 5, 2024
RUSSIA
“Ipagkatiwala Mo kay Jehova ang Landasin Mo”
Malapit nang ilabas ng Shadrinskiy District Court of the Kurgan Region ang hatol nito sa kaso ni Brother Aleksandr Lubin. Wala pang hinihiling ang prosecutor na parusa para sa kaniya.
Profile
Gaya ni Aleksandr, nagtitiwala tayo na kahit hirap na hirap tayo, makakapagtiis tayo kung aasa tayo sa tulong ni Jehova.—Isaias 38:14.
Time Line
Hulyo 13, 2021
Sinampahan ng kasong kriminal
Hulyo 14, 2021
Hinalughog ang walong bahay ng mga Saksi ni Jehova. Inaresto si Aleksandr, pinagtatanong, at pansamantalang ikinulong
Hulyo 16, 2021
Inilipat sa pretrial detention center
Hulyo 19, 2021
Umapela dahil sa malubhang sakit
Agosto 28, 2021
Dahil sa kahilingan ng European Court of Human Rights at ng mga human rights activist, pinalaya si Aleksandr pero pinagbawalang umalis ng kanilang lugar
Hulyo 14, 2023
Nagsimula ang paglilitis
Setyembre 7, 2023
Ipinagpaliban ang pagdinig ng korte dahil naospital si Aleksandr