Pumunta sa nilalaman

ABRIL 2, 2021
RUSSIA

Ipinagbawal ng Korte sa Russia ang JW Library App

Ipinagbawal ng Korte sa Russia ang JW Library App

Noong Marso 31, 2021, idineklara ng Oktyabrskiy District Court ng St. Petersburg ang JW Library app na ekstremista at ipinagbawal ito sa buong Russian Federation at Crimea. Ipapatupad agad ang pagbabawal. Nahihirapan na ang mga gumagamit ng app na ma-access ito. Magkakaroon ng apela sa desisyon ng korte.