Pumunta sa nilalaman

Si Brother Sergey Rayman at ang asawa niyang si Valeriya, habang nasa korte noong Oktubre 9, 2020

OKTUBRE 9, 2020
RUSSIA

Isang Mag-asawa, Sinentensiyahan ng Probation ng Korte sa Russia

Isang Mag-asawa, Sinentensiyahan ng Probation ng Korte sa Russia

Noong Oktubre 9, 2020, ang Sverdlovskiy District Court ng Kostroma ay nagbaba ng hatol sa kaso ni Brother Sergey Rayman at sa asawa niyang si Valeriya. Sinentensiyahan sila ng probation—walong taon kay Brother Sergey Rayman at pitong taon naman sa kaniyang asawa. Ito ang pinakamahabang probation na ipinataw sa mga kapatid sa Russia mula nang magbaba ng desisyon ang Supreme Court noong 2017. Hindi kailangan na mabilanggo ngayon nina Brother at Sister Rayman.