NOBYEMBRE 8, 2022
RUSSIA
Kailangan ang Panalangin at Pagbabasa ng Bibliya Para Makapagtiis
Malapit nang ibaba ng Maykop City Court of the Republic of Adygeya ang hatol nito sa kaso ni Brother Nikolay Saparov. Wala pang hinihiling ang prosecutor na parusa para sa kaniya.
Time Line
Marso 22, 2022
Sinampahan ng kasong kriminal
Marso 23, 2022
Inaresto si Nikolay habang nasa airport kasama ng asawa at anak niya. Pagkatapos ng interogasyon, inakusahan siya ng mga awtoridad ng pag-oorganisa ng mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon. Ipinadala siya sa temporary detention center. Hinalughog din ang bahay niya
Marso 24, 2022
Inilipat si Nikolay sa pretrial detention center
Mayo 19, 2022
Nagsimula ang paglilitis
Profile
Ipinapaalala sa atin ng halimbawa ng pamilya Saparov na laging dinirinig ni Jehova ang ‘paghingi ng tulong’ ng tapat na mga lingkod niya.—Awit 119:147.
a Noong inihahanda ang artikulong ito, nasa pretrial detention si Brother Saparov at hindi posibleng makuha ang personal na mga komento niya.