Pumunta sa nilalaman

Sina Brother at Sister Akopyan (gitnang harap) at ang mga sumuporta sa kaniya sa korte.

MARSO 6, 2019
RUSSIA

Kinansela ng Korte ng Russia ang Sentensiya kay Brother Akopyan

Kinansela ng Korte ng Russia ang Sentensiya kay Brother Akopyan

Noong Marso 1, 2019, kinansela ng Korte Suprema ng Republika ng Kabardino-Balkaria ang hatol ng mababang korte kay Brother Arkadya Akopyan. Tumagal nang mahigit isang taon ang paglilitis sa kaniya sa akusasyong pamamahagi ng “ekstremistang” literatura at ‘panunulsol ng pagkakapootan sa relihiyon.’

Noong una, sinentensiyahan ng mababang korte ang 70-taóng-gulang na si Brother Akopyan na magsagawa ng community service. Pero kamakailan, kinansela ng Korte Suprema ang hatol ng mababang korte.

Nagpapasalamat tayo kay Jehova sa tagumpay na ito at nakikisaya tayo kay Brother Akopyan. Patuloy nating ipinapanalangin na makapagtiis nang may katapatan ang ating mga kapatid.—2 Tesalonica 1:4.