Pumunta sa nilalaman

PEBRERO 12, 2020
RUSSIA

Kinasuhan si Brother Yevgeniy Aksenov Dahil sa Pakikipag-usap Tungkol sa Bibliya

Kinasuhan si Brother Yevgeniy Aksenov Dahil sa Pakikipag-usap Tungkol sa Bibliya

Sa Biyernes, Pebrero 14, 2020, maglalabas ng hatol sa kaso ni Brother Yevgeniy Aksenov ang Zheleznodorozhniy District Court ng Khabarovsk. Hiniling ng prosecutor na mabilanggo si Brother Aksenov nang tatlong taon.

Noong Abril 21, 2018, kasama ni Brother Aksenov ang mga kaibigan at kakilala niya sa conference room ng isang hotel para pag-usapan ang Bibliya. Tinalakay niya sa kanila kung paano makakatulong ang mga prinsipyo sa Bibliya sa ugnayan ng pamilya. Dahil dito, inakusahan siya na gumagawa ng isang “krimen laban sa komunidad” at “nag-oorganisa ng gawain ng isang ekstremistang organisasyon.” Nagsimula ang paglilitis noong Oktubre 21, 2019.

Habang hinihintay ang hatol kay Brother Aksenov, ipinapanalangin natin na siya at ang pamilya niya ay patuloy na magtitiwala sa pangako ni Jehova na ang mga tapat ay ‘hindi magkukulang ng anuman.’—Awit 34:9.