Pumunta sa nilalaman

Mayo 23, 2019
RUSSIA

Kinatigan ng Appeal Court ang Hatol kay Dennis Christensen

Kinatigan ng Appeal Court ang Hatol kay Dennis Christensen

Noong Mayo 23, 2019, ibinasura ng tatlong hukom ng Oryol Regional Court ang apela ni Dennis Christensen at kinatigan ang hatol sa kaniya na anim-na-taóng pagkabilanggo. Mga 80 sa ating mga kapatid ang pumunta sa pagdinig sa kaso. Naroon din ang mga opisyal mula sa Australia at Denmark. Ang resulta sa pagdinig na ito ay sinusubaybayan ng media sa buong mundo.

Sa nakalipas na tatlong buwan mula nang unang masentensiyahan si Brother Christensen noong Pebrero, 115 bahay na ang ni-raid at tatlong beses na mas maraming kasong kriminal ang isinampa laban sa mga Saksi ni Jehova kumpara sa nauna pang tatlong buwan.

Ipinapanalangin natin si Brother Christensen at ang lahat ng ating kapatid sa Russia. Nagtitiwala tayo na “si Jehova ay malapit sa lahat ng tumatawag sa kaniya” at patuloy niyang tutulungan ang ating mga kapatid na manatiling matatag sa kabila ng pag-uusig.—Awit 145:18.