Pumunta sa nilalaman

ENERO 24, 2020
RUSSIA

Korte ng Russia, Pinagmumulta Sina Brother Markin at Brother Trofimov, Pero Hindi Mabibilanggo

Korte ng Russia, Pinagmumulta Sina Brother Markin at Brother Trofimov, Pero Hindi Mabibilanggo

Noong Biyernes, Enero 24, 2020, hinatulan ng Polyarny District Court ng Murmansk sina Roman Markin at Viktor Trofimov na nagkasala. Si Brother Markin ay pinagmumulta ng 300,000 ruble ($4,858 U.S.), at si Brother Trofimov naman ay 350,000 ruble ($5,668 U.S.). Nalulungkot tayo na hinatulan silang nagkasala, pero nagpapasalamat pa rin tayo na hindi sila mabibilanggo.