PEBRERO 14, 2020
RUSSIA
Korte sa Russia, Hinatulan at Pinagmulta Sina Brother at Sister Popov
Noong Pebrero 14, 2020, hinatulan ng Vilyuchinsk City Court si Brother Mikhail Popov at ang asawa niyang si Sister Yelena Popova. Pinagmulta si Brother Popov ng 350,000 ruble ($5,508 U.S.) at si Sister Popova ng 300,000 ruble ($4,722 U.S.), pero hindi sila sinentensiyahang makulong. Pareho silang aapela.
Inaresto sina Mikhail at Yelena noong Hulyo 2018. Di-nagtagal, pinalaya rin sila habang hinihintay ang paglilitis.
Mula noong 2019, umabot na sa 28 Saksi ni Jehova ang nahatulan ng mga korte sa Russia dahil sa kanilang pananampalataya. Sampu sa kanila ay hinatulan nitong nakaraang dalawang buwan pero hindi nakabilanggo sa ngayon.