Pumunta sa nilalaman

ENERO 26, 2021
RUSSIA

Korte sa Russia, Hinatulan ng Suspended Prison Sentence si Sister Galina Parkova

Korte sa Russia, Hinatulan ng Suspended Prison Sentence si Sister Galina Parkova

Noong Enero 26, 2021, hinatulan ng Leninskiy District Court ng Rostov-on-Don si Sister Galina Parkova ng dalawang-taon-at-tatlong-buwang suspended prison sentence. Hindi niya kailangang makulong ngayon.

Sa huli niyang mga pananalita sa korte, lakas-loob niyang sinabi: “Bilang isang taong may pananampalataya, naiintindihan ko kung bakit mahirap ang pinagdadaanan ko ngayon. Inihula iyon ng Panginoong Jesu-Kristo. Sa Ebanghelyo ni Juan sa kabanata 15, talata 20, sinabi ni Jesus: ‘Ang alipin ay hindi mas dakila kaysa sa panginoon niya. Kung pinag-usig nila ako, pag-uusigin din nila kayo.’

“Kung ganoon nila pinakitunguhan si Jesus, na nagpagaling at nagpakain ng maraming tao, at nagturo ng tungkol sa kaniyang Ama at sa darating na Kaharian, ano din ang aasahan ng mga tagasunod ni Jesus? Pinag-uusig ako dahil sa pananampalataya ko, kaya lalo akong kumbinsido na nasa tamang landas ako!”