Pumunta sa nilalaman

ABRIL 1, 2020
RUSSIA

Korte sa Russia, Hinatulan si Brother Igor Ivashin ng Anim-na-Taóng Probation

Korte sa Russia, Hinatulan si Brother Igor Ivashin ng Anim-na-Taóng Probation

Noong Abril 1, 2020, hinatulan ng Lensky District Court ng Republic of Sakha si Brother Igor Ivashin dahil sa kaniyang pananampalataya at pinatawan siya ng anim-na-taóng probation. Kahit na puwede na siyang makauwi sa panahon ng kaniyang probation, puwede pa rin siyang mabilanggo kung mapaparatangan siyang nagkasala dahil sa kaniyang pananampalataya at pagsamba. Magsusumite si Brother Ivashin ng apela sa naging hatol sa kaniya.