Pumunta sa nilalaman

PEBRERO 12, 2021
RUSSIA

Korte sa Russia, Hinatulan si Brother Igor Tsarev ng Suspended Prison Sentence

Korte sa Russia, Hinatulan si Brother Igor Tsarev ng Suspended Prison Sentence

Noong Abril 29, 2021, pinagtibay ng Court of the Jewish Autonomous Region ang hatol kay Igor at ang orihinal na sentensiya sa kaniya na dalawa-at-kalahating-taóng suspended prison sentence.

Noong Pebrero 12, 2021, hinatulan ng Birobidzhan District Court ng Jewish Autonomous Region si Igor ng dalawa’t-kalahating-taóng suspended prison sentence. Hindi niya kailangang makulong ngayon.

Nanatiling matatag at positibo si Igor habang nililitis siya. Sa huling pananalita niya sa korte noong Pebrero 11, 2021, sinabi niya: “Pinag-isipan ko kung ano ang una kong sasabihin, at naalala ko ang payo ni apostol Pablo sa lahat ng Kristiyano. Sa liham niya sa mga taga-Colosas, sinabi niya: ‘Ipakita ninyong mapagpasalamat kayo.’

“Kaya nagpapasalamat ako sa inyo, Your Honor, dahil naging mapayapa ang paglilitis sa akin, at salamat din sa inyong atensiyon. . . . Nagpapasalamat din ako lalo na sa ating Maylalang at Diyos, si Jehova, dahil sinuportahan niya ako hanggang sa matapos ang paglilitis na ito. Dahil sa kaniya, naging kalmado ako at payapa ang puso ko.”—Colosas 3:15.