Pumunta sa nilalaman

PEBRERO 24, 2021
RUSSIA

Korte sa Russia, Hinatulang Mabilanggo si Brother Roman Baranovskiy at ang May-edad Niyang Nanay, si Sister Valentina Baranovskaya

Korte sa Russia, Hinatulang Mabilanggo si Brother Roman Baranovskiy at ang May-edad Niyang Nanay, si Sister Valentina Baranovskaya

Noong Pebrero 24, 2021, sinentensiyahan ng Abakan City Court ng Republic of Khakassia si Brother Roman Baranovskiy ng anim-na-taóng pagkabilanggo. Hinatulan din ng korte ang nanay ni Roman na si Sister Valentina Baranovskaya ng dalawang-taóng pagkabilanggo. Ito ang unang pagkakataong sinentensiyahan ng pagkabilanggo ang isa nating sister sa Russia dahil sa pananampalataya. Sa Abril 2021, si Valentina ay 70 taóng gulang na, at noong Hulyo 2020, na-stroke siya.

Pagkababa ng hatol, pareho silang ikinulong. Iaapela ang naging desisyon.