PEBRERO 17, 2021
RUSSIA
Korte sa Russia, Hinatulang Nagkasala si Sister Yelena Reyno-Chernyshova at Pinagmumulta Dahil sa Kaniyang Pananampalataya
Noong Pebrero 17, 2021, hinatulan ng Birobidzhan District Court ng Jewish Autonomous Region si Sister Yelena Reyno-Chernyshova na nagkasala dahil sa “pakikibahagi sa gawain ng isang ekstremistang organisasyon.” Pinagmumulta siya ng 10,000 ruble ($135 U.S.).