OKTUBRE 28, 2020
RUSSIA
Korte sa Russia, Hindi Pinagbigyan ang Maagang Paglaya ni Brother Bazhenov
Noong Oktubre 28, 2020, hindi pinagbigyan ng Dimitrovgrad City Court ng Ulyanovsk Region ang maagang paglaya ni Brother Konstantin Bazhenov, kundi pinatawan siya ng korte ng multa bilang kapalit sa natitirang bahagi ng sentensiya niya. May 10 araw siya para magsumite ng apela.
Noong una siyang mabilanggo bago litisin noong Hunyo 2018, natakot si Brother Bazhenov. Pero nagsimula siyang maglista ng mga teksto sa Bibliya sa isang notebook, na umabot nang mga 500 teksto na saulado niya. Nang maglaon, nagkaroon siya ng Bibliya at nabasa niya ito nang apat na buwan. Gumagawa si Brother Bazhenov ng mga liham para magbigay ng magagandang pag-asa mula sa Bibliya. Kumakanta rin siya ng mga awiting pang-Kaharian at laging siyang nananalangin kay Jehova na tulungan siya.
Mahigit 340 araw na nakabilanggo si Brother Bazhenov bago litisin. Pagkatapos na masentensiyahang mabilanggo nang tatlo at kalahating taon noong Setyembre 2019, patuloy siyang naging abala sa espirituwal na mga gawain. Salamat kay Jehova, nakapag-Memoryal si Brother Bazhenov kahit nakakulong. Dahil pinananatiling malapít ni Brother Bazhenov ang kaugnayan niya kay Jehova, nakakapagtiis siya kahit may pag-uusig at nananatiling masaya. Patuloy nating isama sa ating mga panalangin si Brother Bazhenov.