Pumunta sa nilalaman

ABRIL 22, 2021
RUSSIA

Korte sa Russia, Hindi Tinanggap ang Apela ni Sister Reyno-Chernyshova

Korte sa Russia, Hindi Tinanggap ang Apela ni Sister Reyno-Chernyshova

Noong Abril 22, 2021, ibinasura ng korte ng Jewish Autonomous Region ang apela ni Sister Yelena Reyno-Chernyshova. Pinaboran ng korte ang apela ng prosecutor na patindihin ang naunang sentensiya kay Yelena. Imbes na pagmultahin siya ng 10,000 ruble ($135 U.S.), ginawa itong suspended prison sentence na dalawang taon at anim na buwan. Hindi niya kailangang makulong sa ngayon.