Pumunta sa nilalaman

ENERO 19, 2021
RUSSIA

Korte sa Russia, Ibinasura ang Apela ni Brother Sergey Ledenyov

Korte sa Russia, Ibinasura ang Apela ni Brother Sergey Ledenyov

Noong Enero 19, 2021, ibinasura ng Kamchatka Territory Court ang apela ni Brother Sergey Ledenyov. Ipapatupad na ang hatol sa kaniya na dalawang-taóng suspended prison sentence. Sa ngayon, hindi niya kailangang makulong.

Bago ibaba ang hatol sa kaniyang apela, binigyan ng pagkakataon si Sergey na makapagsalita sa korte. Lakas-loob niyang ipinagtanggol ang pananampalataya niya at nanindigan sa pagsamba niya kay Jehova. Sinabi niya: “Ang pananampalataya ko ay hindi nakabatay sa mga batas ng anumang organisasyon, kundi sa Bibliya. Halimbawa, ‘ang bawat bahay ay may tagapagtayo, pero ang nagtayo ng lahat ng bagay ay ang Diyos,’ at ‘Jehova ang pangalan niya.’ (Hebreo 3:4; Exodo 15:3) Walang hatol ang makakapag-alis ng mga salitang iyan sa Bibliya o sa puso ko.”