Pumunta sa nilalaman

PEBRERO 11, 2020
RUSSIA

Korte sa Russia, Inaasahang Maglalabas ng Hatol sa Pebrero 13, 2020 Para sa Kaso ni Brother Mikhail Popov at ng Asawa Niyang si Yelena

Korte sa Russia, Inaasahang Maglalabas ng Hatol sa Pebrero 13, 2020 Para sa Kaso ni Brother Mikhail Popov at ng Asawa Niyang si Yelena

Sa Huwebes, Pebrero 13, 2020, inaasahang maglalabas ng hatol ang Vilyuchinsk City Court para sa kaso ni Brother Mikhail Popov at ng asawa niyang si Sister Yelena Popova. Inaresto ang mag-asawa noong Hulyo 30, 2018 sa Kamchatka at pinalaya noong Agosto 9, 2018. Kinasuhan sila dahil sa pagsasagawa ng “ekstremistang gawain.”

Nagtitiwala sina Mikhail at Yelena kay Jehova sa panahong ito ng pagsubok. Alam nating patuloy na magiging “kanlungan at lakas” si Jehova para sa kanila.—Awit 46:1.