Pumunta sa nilalaman

Si Brother Dennis Christensen na nasa bilangguan habang dinadalaw ng abogado niya noong Setyembre 2020

OKTUBRE 26, 2020
RUSSIA

Korte sa Russia, Muling Tinanggihan ang Maagang Pagpapalaya kay Brother Christensen

Korte sa Russia, Muling Tinanggihan ang Maagang Pagpapalaya kay Brother Christensen

Noong Oktubre 26, 2020, muling tinanggihan ng Lgov District Court ang maagang pagpapalaya kay Brother Dennis Christensen, na mahigit tatlong taon nang nakakulong. May 10 araw siya para magsumite ng apela. Matatapos ang sentensiyang pagkabilanggo ni Brother Christensen sa Mayo 2022. Isinama dito ang panahong ginugol niya sa bilangguan bago litisin. Pero noong nakaraang buwan, itinuring siya sa loob ng bilangguan bilang isa na “sadyang lumalabag” sa mga batas doon. Kaya posible na hindi isama ang panahong ginugol niya sa bilangguan bago litisin, at puwede siyang mabilanggo nang higit sa Mayo 2022.

Mula nang arestuhin si Brother Christensen noong Mayo 25, 2017, siya at ang asawa niyang si Irina ay dumanas ng mahihirap na sitwasyon. Pero nananatili silang masaya at naninindigan sa kanilang pananampalataya. At dahil din iyan sa panalangin ng milyon-milyon nating kapatid sa buong mundo.